Tahasang sinabi ni Rep. Edgar Erice na hindi na umano makakabawi o makakapaghatid ng tunay na pag-unlad ang administrasyong Marcos Jr. sa nalalabing 24 na buwan ng termino nito.
“Be honest Mr. President, be sincere. Confront the truth. Tama na po ang optics. Tama na ang palabas. Tama na ang denial. Tama na ang cover up.”
Para kay Erice, hindi na sapat ang magagandang pahayag, photo opportunity, at paulit-ulit na pangako. Ang hinihingi na umano ng taumbayan ay hindi palabas, kundi katotohanan. Hindi denial, kundi pag-amin. Hindi cover-up, kundi pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento