Sa gitna ng mga usap-usapan, kumpirmado na ang relasyon ng aktres na si Bea Alonzo at ng Puregold President na si Ferdinand Vincent Co.
“Nakikita naming masaya si Bea. Kay Vincent, ramdam namin ang respeto at pagmamahal niya kay Bea. Hindi ito publicity. Totoo at tahimik lang silang nagmamahalan.” - Kaibigan ni Bea Alonzo
Na-spotan ang dalawa sa Suvarnabhumi Airport habang magkasamang nagche-check in ng bagahe—isang malinaw na senyales na hindi na nila itinatago ang kanilang pagsasama. Ang larawan ay unang lumabas sa entertainment site na FashionPulis, at agad na nag-trending sa social media.
Matatandaang una nang na-link ang dalawa nang mag-post si Co ng larawan mula sa Andalucia, Spain kasama ang isang misteryosang babae. Bagama’t hindi kita ang mukha, napansin ng mga fans ang mga palatandaang si Bea ang kasama sa larawan.
Ayon sa isang malapit na kaibigan ng dalawa:
“Very open si Vincent tungkol kay Bea sa inner circle niya. Both families are aware and supportive. Sobrang saya nila, and very much in love.”
Idinagdag pa ng source na isinama ni Co si Bea sa vineyard ng kanilang pamilya sa Spain, at “engagement is definitely a possibility.”
Si Ferdinand Vincent Co ay anak nina Lucio at Susan Co, ang mga may-ari ng Puregold at S&R. Siya na ang presidente ng Puregold mula 2015 at kilala sa pagiging low-profile sa kabila ng pamumuno sa mga higanteng negosyo ng kanilang pamilya. Kasalukuyang tinatayang nasa ₱175 bilyon ang halaga ng mga negosyo ng kanilang grupo.
Sa dami ng mga “showbiz chika” na hindi agad nakukumpirma, ang pagsasama nina Bea at Vincent ay isang love story na tila seryoso, simple, at pinapatunayan sa aksyon at hindi lang salita. Sa lakas ng suporta mula sa kani-kanilang pamilya, hindi malayong mauwi ito sa engagement sa mga darating na buwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento