Advertisement

Responsive Advertisement

MAYOR VICO BINASAG ANG ISYU NG VOTE-BUYING: ‘HINDI ‘YAN GALING SA AKIN!

Linggo, Mayo 11, 2025

 


Matapang na sinagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga alegasyong nilabag niya ang Commission on Elections (Comelec) aid ban, matapos siyang ireklamo ng isang dating empleyado ng city hall.


“Sa panahon ng halalan, may mga gustong gamitin ang kahit anong isyu para lang makapanira. Pero malinaw: may exemption tayo mula sa Comelec, at higit sa lahat, hindi po natin ginagamit ang edukasyon para sa kampanya.” - MAYOR VICO


Noong Mayo 7, naglabas ng scholarship allowance ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga estudyanteng benepisyaryo ng kanilang Edukasyon Pasig Program.

Ngunit agad itong ginamit bilang batayan ng dating city employee na si Victor Barral para maghain ng disqualification case laban sa alkalde. Ayon sa kanya, ito raw ay uri ng vote-buying.


Nilinaw ng alkalde na ang Pasig LGU ay may Comelec exemption para sa nasabing payout, na naaprubahan pa noong Marso 24, kaya hindi ito saklaw ng election ban.


“Taasan naman natin ang tingin sa mga kabataan – alam ng mga scholars na hindi sa akin galing ‘yan!”


Dagdag pa ni Sotto, matagal nang apolitical ang scholarship program ng lungsod.


“Isa sa mga unang hakbang natin noong 2019 ay alisin ang mga requirement na ginagamit sa politika – hindi na kailangang dumalo sa parada, hindi na rin nakapangalan sa politiko ang programa.”


Sa kabila ng mga batikos at alegasyon, naninindigan si Mayor Vico Sotto na malinis at walang halong pulitika ang pamamahagi ng scholarship allowances sa Pasig.

Sa loob ng anim na taon, pinanatili ng lungsod ang integridad ng kanilang edukasyon program, at ngayon ay hindi nagpapadala sa mga paninira ngayong eleksyon.


Ang panawagan ng alkalde ay simple: huwag gawing sandata ang kabutihang programa laban sa kabataan na tanging hangad ay makapagtapos ng pag-aaral.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento