Isang nakakagulat na insidente ang naganap noong Biyernes ng gabi, Mayo 9, sa Mactan-Cebu International Airport matapos maharang ng mga awtoridad ang ₱441 milyon na cash mula sa siyam na dayuhan at dalawang Pilipino.
Ayon sa initial report, ang pera ay laman ng pitong bag na may bigat na humigit-kumulang 70 kilo bawat isa. Ang grupo ay pauwi na sana sa Maynila sakay ng isang chartered flight nang mahuli sila ng mga awtoridad.
Sinabi ng mga suspek na ang malaking halaga ng pera ay mula umano sa panalo nila sa casino. Ngunit sa gitna ng halalan ngayong Lunes, naging alarming ito para sa mga otoridad dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagbiyahe ng malalaking halaga ng pera sa panahon ng eleksyon, dahil posibleng gamitin ito sa vote-buying.
Ang mga nasabat na pera ay ngayon ay nasa custody na ng mga otoridad habang iniimbestigahan kung legal ba ang pinagmulan nito at kung may kinalaman ito sa nalalapit na eleksyon.
Sa gitna ng mahigpit na eleksyon rules, naging usap-usapan ang pagkakahuli sa mahigit ₱400M cash na dinala ng ilang dayuhan at Pilipino gamit ang isang chartered flight.
Bagama’t sinabi nilang galing ito sa casino, hindi maikakaila na tumatama ito sa panahon ng eleksyon, kung kailan pinaka-delikado ang ganitong galawan.
Habang hinihintay pa ang opisyal na findings ng mga awtoridad, malinaw na kailangan ng mahigpit na pagbabantay sa galaw ng pera lalo na tuwing eleksyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento