Maagang nagpakita ng pagiging responsableng mamamayan ang MVP Group of Companies Chairman na si Manny V. Pangilinan matapos bumoto kaninang 5:10 a.m. sa unang araw ng halalan, Mayo 13, 2025.
“Ang boto ng isang mamamayan ay isang sagradong tungkulin. Bumoto tayo hindi lang para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng ating bayan. Mabuhay ang Pilipinas!” - Manny V. Pangilinan
Sa kanyang social media post, ibinahagi niya ang ilang larawan sa presinto kalakip ang simpleng caption pero makahulugan:
“Voted early today—5:10 a.m. Done and dusted. Mabuhay ang Pilipinas!”
Si MVP ang isa sa mga unang bumoto ngayong halalan. Ang kanyang maagang pagpunta sa presinto ay nagpapakita ng pagiging ehemplo sa mamamayang Pilipino, lalo na sa panahon na mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa sa demokrasya.
Ang simpleng kilos ng maagang pagboto ni Manny V. Pangilinan ay nagsilbing paalala at inspirasyon sa maraming Pilipino na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. Sa kanyang salitang, "Done and dusted. Mabuhay ang Pilipinas!"—mararamdaman ang kanyang pagmamalasakit sa bansa at ang paniniwala sa kapangyarihan ng boto ng bawat isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento