Advertisement

Responsive Advertisement

Lea Salonga Isusulong Ang National Artist Award Para Kay Dolphy: "Mas Deserving Siya!"

Martes, Setyembre 24, 2024

 



Nagpasalamat ang internationally acclaimed singer at award-winning theater artist na si Lea Salonga sa mga nagtutulak na gawaran siya ng National Artist award, ngunit iginiit niya na may mas karapat-dapat sa naturang parangal ang tinaguriang "King of Comedy," si Dolphy.


Sa isang panayam, inamin ni Lea na habang natutuwa siya sa ideya na kinikilala ang kanyang kontribusyon sa sining, naniniwala siyang mas nararapat munang bigyan ng parangal si Dolphy. "There are folks far more deserving and whose National Artist Awards are long overdue. I would love to see somebody like Dolphy, for example," pahayag ni Lea. "I think he should be heralded first. Hopefully, I will be given an opportunity to champion him."


Ipinaliwanag ni Lea ang malalim na kontribusyon ni Dolphy sa showbiz at sa lipunan, na hindi lamang nagdala ng saya at halakhak sa mga Pilipino, kundi nagbigay rin ng mas malawak na pag-unawa at pagtanggap sa LGBTQIA+ community.


“We have to judge him as an artist for his body of work. He has contributed so much, even those where he is cross-dressing. It lends so much tolerance and acceptance towards the LGBTQIA+ community. Even if that was not his intention at the time. That was an effect,” ayon kay Lea. Para sa kanya, si Dolphy ay naging daan upang unti-unting buksan ang isipan ng maraming Pilipino tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kasarian at pagkakakilanlan, sa pamamagitan ng kanyang natatanging paraan ng pagpapatawa at pagpapakita ng tunay na kahulugan ng pagiging tao.


Ipinahayag ni Lea ang pag-asang balang araw ay makikita rin ng mas maraming tao ang kahalagahan ng mga kontribusyon ni Dolphy sa sining at lipunan, at sana’y mabigyan siya ng pagkilala na matagal na niyang nararapat bilang isang National Artist

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento