Hinimok ni Senador Erwin Tulfo ang mga miyembro ng dating majority bloc na lumipat at makiisa sa kanilang hanay upang maipagpatuloy umano ang trabaho ng Senado para sa kapakanan ng bansa.
Ang panawagan ay dumating sa gitna ng matinding power struggle sa Senado matapos mabalam ang sesyon sa loob ng dalawang araw dahil sa hindi pagdalo ng majority bloc.
Natigil ang trabaho ng Senado dahil sa bangayan ng majority at minority blocs, hanggang sa makabuo ng quorum ang kabilang panig at mahalal si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
“Please join us. We will accept you with open arms. Let’s work together for the nation. We will accept you. We will embrace you.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento