Nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na tuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Huwebes, Hunyo 4, 2026, kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Cayetano na nakatakdang ipagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa flood control scandal sa Hunyo 4, at inatasan umano si Senador Rodante Marcoleta na maglabas ng notices para sa pagpapatuloy ng pagdinig.
Nagkaroon ng kalituhan matapos sabihin naman ni Senador Erwin Tulfo na ang Blue Ribbon flood control probe ay nakatakdang magpatuloy sa Hunyo 8. Sinabi ni Tulfo na sa June 8 na niya balak ipagpatuloy ang hearing matapos siyang mahalal bilang bagong chair ng Blue Ribbon Committee kasunod ng panibagong shakeup sa Senado.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento