Sa kaniyang Facebook Live nitong Sabado, inimbitahan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian upang pag-usapan ang umano’y solusyon sa patuloy na banggaan kung sino ang tunay na Senate President.
Diretsahan ang naging pahayag ni Cayetano: “I’ll offer you a solution, Senator Win. Mag-meeting tayo, may naiisip akong solusyon.”
Sa gitna ng matinding iringan sa Senado, malinaw ang gustong ipakita ni Cayetano: hindi raw dapat manatili sa bangayan, press statement, at palitan ng akusasyon ang isyu. Kung parehong naniniwala ang dalawang panig na legal ang kanilang posisyon, dapat silang magharap at pag-usapan kung paano ito lulutasin nang hindi lalo pang sinisira ang Senado bilang institusyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento