Nagbigay ng matinding babala si Sen. Raffy Tulfo sa publiko sa pagsisimula ng Blue Ribbon Committee hearing ng Gatchalian bloc noong Lunes, Hunyo 8, 2026, kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ani Tulfo, “’Wag po tayong magpapadala sa mga mabubulaklak na pananalita dahil lang siya ay nagbabasa ng Bibliya.”
Mabigat ang linyang ginamit ni Tulfo dahil malinaw ang punto nito: kahit ang mga salita mula sa Bibliya ay puwedeng gamitin para sa sariling interes. Hindi ibig sabihin na dahil may binabanggit na relihiyon, awtomatiko nang tama, malinis, o mapagkakatiwalaan ang isang tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento