Inimbitahan ni Senador Alan Peter Cayetano ang lahat ng senador na dumalo sa isinasagawang Blue Ribbon Committee hearing sa session hall ngayong Huwebes ng umaga, Hunyo 4, kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ang panawagan niyang “Hihintayin namin kayo” ay malinaw na mensahe sa mga senador na hindi pa dumadalo: bukas ang hearing, bukas ang session hall, at puwede silang makilahok kung gusto nilang harapin ang isyu.
Ito ay bahagi ng mas malalim na banggaan sa Senado kung saan may dalawang kampong parehong nagsasabing sila ang may legal na kapangyarihan sa chamber.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento