Mas lalong naging palaisipan sa publiko ang pananahimik ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos maglabasan ang mga ulat tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Ngunit ayon mismo sa kampo ng senador, hindi aksidente ang kanilang pananahimik. Sa isang Facebook post, nagbigay ng makahulugang pahayag si Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Dela Rosa: “We are silent for a reason. But you will know our answer soonest.”
Dahil dito, lalong dumami ang spekulasyon kung ano ang posibleng hakbang ng kampo ni Bato sa gitna ng umiinit na ICC controversy.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento