Mariing kinuwestiyon ni Atty. Ferdinand Topacio ang umano’y patuloy na pakikipag-ugnayan ng administrasyong Marcos sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng pag-atras na ng Pilipinas sa Rome Statute noong panahon ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Topacio, nakakabahala umano kung patuloy pa ring makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC lalo na kung mauuwi ito sa pagdakip kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Diretsahan ang naging pahayag ni Topacio laban sa umano’y naging paghawak noon sa dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng ICC issue. Para kay Topacio, malaking insulto umano ito sa dignidad at soberanya ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento