Inamin ni Atty. Jimmy Bondoc na magkamag-anak sila ng online personality na si Franco Mabanta, ngunit agad niyang nilinaw na wala umano silang political relationship at hindi sila lumaking malapit sa isa’t isa.
Sa isang diretsahang pahayag, sinabi ni Bondoc: “Complete na disclaimer, bali second cousin ko si Franco.”
Ayon sa kanya, magkadugo sila dahil ang kanilang mga lolo ay half-brothers, ngunit hindi umano ito nangangahulugan na magkasama silang lumaki o magkapareho ng pananaw sa pulitika.
Ipinaliwanag ni Bondoc na bagama’t magpinsan sila ni Franco Mabanta, hindi raw sila close noong kabataan nila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento