Mariing pinasinungalingan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga kumakalat na ulat na naglabas na umano ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa isang mensahe sa Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Remulla na wala pa umanong natatanggap na opisyal na dokumento ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng naturang warrant.
Diretso at walang paligoy-ligoy ang naging pahayag ng kalihim tungkol sa kumakalat na balita. Tinawag din niyang simpleng “chismis” ang mga ulat na may warrant na umano laban kay Dela Rosa.
Para sa DILG chief, hindi dapat basta-basta pinaniniwalaan ang mga impormasyon lalo na kung walang opisyal na dokumento o kumpirmasyon mula sa tamang ahensya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento