Matapang na hinamon ng abogado ni dating Congressman Zaldy Co si DILG Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng mga alegasyon tungkol sa umano’y mamahaling ari-arian at bilyong cryptocurrency na konektado sa dating mambabatas.
Sa isang diretsahang pahayag, sinabi ni Atty. Ruy Rondain na kung tunay umanong mahahanap ni Remulla ang mga sinasabing ari-arian ni Co, maaari na raw itong kunin ng kalihim.
Ayon kay Rondain: "kung may mahanap mang ari-arian o ₱5 bilyong cryptocurrency na pagmamay-ari umano ni Zaldy Co, maaari na itong kunin ni Remulla"

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento