Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG KANG LILITAW, " SEN. ROBIN PADILLA NAGBIGAY NG PAYO KAY SEN. BATO DELA ROSA NA HUWAG SUMUKO SA MGA DAYUHAN

Linggo, Mayo 10, 2026

 



Naglabas ng matapang at emosyonal na pahayag si Senador Robin Padilla kaugnay ng mga ulat na naglabas na umano ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.


Diretsahan ang naging payo ni Padilla kay Dela Rosa: “Huwag kang lilitaw.”


Ang pahayag ay agad naging sentro ng kontrobersiya matapos itong ikonekta sa lumalalim na usapin ng ICC investigation kaugnay ng war on drugs campaign noong nakaraang administrasyon.


Ayon kay Padilla, kung mga awtoridad ng Pilipinas umano ang hahawak sa kaso ni Dela Rosa, kaya pa niyang tanggapin ito. Ngunit malinaw ang kanyang pagtutol kung dayuhan o international authorities ang magdadala kay Bato.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento