Kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala na sa Senate building si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang matinding tensyon, lockdown, at putukan sa Senado. Ayon sa ulat, sinabi ni Cayetano na kinumpirma ng Sergeant-at-Arms na hindi na nasa loob ng gusali si Dela Rosa.
Mabigat ang kumpirmasyong ito dahil ilang araw na naging sentro ng kontrobersya si Bato matapos siyang manatili sa Senado kaugnay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court o ICC.
Ayon sa GMA News, may senador ding nagkumpirma na wala na si Dela Rosa sa Senado, habang sinabi ng Senate secretariat source na umalis umano siya nang madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14, 2026.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento