Nanawagan si Fr. Flavie Villanueva sa mga senador na umano’y nagpupumilit protektahan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na imulat ang kanilang mga mata at tanggapin na ang ICC warrant ay isang seryosong legal na katotohanan na hindi dapat balewalain.
Diretso ang punto ni father: hindi dapat gawing kanlungan ang Senado para sa isang opisyal na may mabigat na kinakaharap na warrant. Kung may proseso, harapin. Kung may depensa, ilatag. Pero hindi dapat ikubli sa likod ng posisyon, alyansa, o political protection ang isang kasong may kaugnayan sa mga namatay noong drug war.
“Sa mga senador na pilit na nagtatago at nagpoprotekta kay Sen. Bato, imulat ninyo ang inyong mga mata. Ang ICC warrant ay hindi kathang-isip. Ito ay katotohanang dapat tanggapin at harapin sa tamang proseso.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento