Hindi napigilan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kanyang pagkadismaya matapos siyang tanungin sa media briefing kung talagang masasabing “under attack” ang Senado sa gitna ng nangyaring putukan at kaguluhan sa Senate building.
Para kay Cayetano, hindi na dapat pagtalunan pa ang tanong. Kung may nagpaputok sa loob ng gusali, kung may mga senador, empleyado, media, at staff na nalagay sa peligro, malinaw sa kanya na banta iyon sa institusyon at sa buhay ng mga taong nasa loob.
“Anong klaseng question ’yan? I don’t think there is any question, the Senate is under attack. Your life was in danger last night. Kung may nagpaputok sa building, hindi ba under attack ’yon?”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento