Tuluyan nang kinumpirma ni Senador Vicente “Tito” Sotto III na hindi na siya muling tatakbo sa anumang posisyon pagdating ng halalan sa 2031, kasabay ng kanyang pahayag na panahon na upang ipaubaya ang pamumuno sa mas nakababatang henerasyon ng mga lider.
Sa edad na 76, sinabi ni Sotto na ang kasalukuyan niyang termino sa Senado na magtatapos sa 2031 na ang magiging huli sa kanyang mahaba at makasaysayang karera sa serbisyo publiko.
Diretso at walang pag-aalinlangang sinabi ng beteranong senador na wala na siyang planong bumalik pa sa politika matapos ang kanyang termino.
Ayon kay Sotto, marami na siyang naibigay na taon sa public service at nais na niyang bigyan ng pagkakataon ang mga bagong lider na mamuno at magdala ng panibagong ideya para sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento