Advertisement

Responsive Advertisement

“NAPAKABUSY NG PANGULO, HAYAAN NATIN SIYA MAG TRABAHO” USEC. CLAIRE CASTRO PINANINDIGAN WALANG BALAK MAGPA-DRUG TEST SI PANGULONG MARCOS

Biyernes, Mayo 8, 2026

 



Mariing pinanindigan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na wala pa ring balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa drug test sa kabila ng patuloy na panawagan at batikos mula sa ilang personalidad at kritiko ng administrasyon.


Ayon kay Castro, mas mahalagang tutukan ng Pangulo ang kanyang trabaho at responsibilidad sa bansa kaysa sagutin umano ang mga “political attacks” at isyung paulit-ulit na ibinabato laban sa kanya.


Sa isang panayam, sinabi ni Castro na halos wala nang pahinga si Pangulong Marcos dahil sa sunod-sunod nitong trabaho, meetings, at pagharap sa mga problema ng bansa. Giit ni Castro, ang panawagang magpa-drug test si Pangulong Marcos ay bahagi lamang umano ng political noise at propaganda ng kanyang mga kalaban sa politika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento