Hindi nanahimik si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang pangalanan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng umano’y ₱500 milyong halaga ng DPWH allocables na nakita raw sa handwritten notes ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Sa halip na umatras, diretsahan at matapang na bumwelta si Marcoleta at iginiit na hindi ilegal ang mga naturang proyekto at wala umanong anomalya sa kanyang panig.
Ayon kay Marcoleta, ang tinatawag na ₱500 million allocables ay hindi pa aktwal na nagagamit na pondo kundi simpleng “wishlist” o listahan lamang ng mga proyektong nais maipondo para sa mga lugar na nangangailangan ng imprastraktura.
Pinuna rin ni Marcoleta ang tila umano’y pagtutok ni Lacson sa kanyang pangalan habang may mas malalaki pa raw na isyung dapat pagtuunan ng pansin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento