Nagpahayag ng kahandaan si Ombudsman Crispin “Boying” Remulla na tumulong kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kung hihingi ito ng tulong kaugnay sa imbestigasyon sa umano’y ₱500 milyong DPWH allocables na iniuugnay kay Senador Rodante Marcoleta.
Ayon kay Remulla, tungkulin ng Ombudsman na siyasatin ang anumang alegasyon ng anomalya sa gobyerno upang matiyak na lumalabas ang katotohanan at napapanagot ang sinumang mapatutunayang may pagkukulang o paglabag.
Diretsahang sinabi ni Remulla na walang pinipiling personalidad ang Ombudsman pagdating sa mga usaping may kinalaman sa pera ng bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento