Advertisement

Responsive Advertisement

"KAILANGAN NATIN IMBESTIGAHAN" SEN. PING LACSON IDINAWIT SI SEN. MARCOLETA NA MAY ₱500M BUDGET ALLOCABLES SA DPWH

Biyernes, Mayo 8, 2026

 



Naglabas ng mabigat na rebelasyon si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson matapos niyang ihayag na umano’y nakatanggap si Senador Rodante Marcoleta ng humigit-kumulang ₱500 milyong halaga ng infrastructure allocables mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).


Ayon kay Lacson, ang impormasyon ay nakita umano sa mga sulat-kamay na tala o handwritten notes ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, na ngayon ay sentro ng kontrobersiya kaugnay ng flood control at infrastructure anomalies.


Ayon kay Lacson, kabilang sa mga dokumentong sinusuri ay mga handwritten notes na umano’y naglalaman ng pangalan ng ilang opisyal at kaukulang halaga ng proyekto o “allocables.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento