Isiniwalat ni dating senador Antonio Sonny Trillanes ang kanyang paniniwala na posible pang bumaba ang survey ratings ni Sara Duterte sa mga susunod na buwan. Ayon kay Trillanes, ang kasalukuyang mataas na ratings ng bise presidente ay hindi umano lubos na repleksyon ng aktuwal na sentimyento ng publiko.
Para sa dating mambabatas, malaki ang papel ng social media sa paghubog ng imahe ng mga politiko at hindi raw lahat ng nakikita online ay totoo.
Iginiit ni Trillanes na ang umano’y pagbaha ng fake news at propaganda sa social media ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nananatiling mataas ang ratings ng bise presidente. Aniya, kapag hindi pa lubos na nalalantad ang mga isyu at tunay na rekord ng isang opisyal, natural lamang na manatiling mataas ang suporta.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento