Inilahad ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang kanyang malinaw na pananaw sakaling palarin siya sa 2028 elections at mabigyan ng mas mataas na halal na posisyon. Ayon sa kanya, number one priority niya ang paglikha ng malawak at tuloy-tuloy na housing program upang tuldukan ang problema ng informal settler families sa bansa.
Para kay Remulla, ang informal settlement ay ugat ng maraming suliranin mula kalusugan at seguridad hanggang edukasyon at dignidad. Kung may maayos na pabahay, mas madali umanong maihatid ang serbisyong panlipunan at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento