Nanatiling undecided si Jonvic Remulla, kasalukuyang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pagdating sa kanyang plano para sa 2028 national elections. Ayon sa kanya, wala pa siyang pinal na desisyon kung tatakbo ba siya o hindi sa anumang posisyon.
Gayunman, malinaw ang isang kondisyon na kanyang inilatag: hindi siya tatakbo kung wala ang endorso ng Pangulo.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Remulla na hindi siya interesado sa pagtakbo base lamang sa personal na ambisyon. Para sa kalihim, mahalaga ang direksyon ng administrasyon at ang tiwala ng liderato, partikular ng Ferdinand Marcos Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento