Naglabas ng matapang na pahayag si Crispin Remulla matapos ideklara niyang “unconstitutional” ang naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines sa pagbasura ng impeachment case laban kay Sara Duterte. Ayon sa Ombudsman, may mga seryosong tanong na kailangang sagutin kung paano at bakit umabot sa ganitong desisyon ang korte.
Nilinaw ng Ombudsman na ang balak na imbestigasyon ay hindi direktang pag-atake sa hudikatura, kundi bahagi ng mandato ng kanyang tanggapan na tiyakin na walang bahid ng katiwalian sa anumang sangay ng pamahalaan. Kapag may alegasyon ng iregularidad, aniya, tungkulin ng Ombudsman na magsiyasat kahit pa ang nasasangkot ay nasa pinakamataas na antas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento