Advertisement

Responsive Advertisement

"NAKA-ABANG NA ATING ARRESTING TEAM, ANYTIME PWEDE SILA PUSASAN" OMBUDSMAN REMULLA HINIHINTAY ANG GO SIGNAL NI TITO SOTTO PARA DAKPIN ANG MGA SANGKOT NA SENADOR

Miyerkules, Pebrero 11, 2026

 



Tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla na nakahanda na umano ang kanyang arresting team kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon sa kanya, kumpleto na ang preparasyon at hinihintay na lamang ang go signal mula kay Vicente Sotto III upang maisakatuparan ang pag-aresto sa mga sangkot na senador.


Matatandaang ilang opisyal ang nadawit sa kontrobersiya matapos lumabas ang mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo para sa flood control projects. Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang alamin kung may pananagutan ang mga nabanggit na personalidad.


Ipinaliwanag ni Remulla na may mga legal na proseso na kailangang sundin bago ang aktwal na pag-aresto. Aniya, hindi maaaring magmadali kung wala pang pormal na pahintulot o go signal mula sa kinauukulang awtoridad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento