Iginiit ni Rep. Edgar Erice na may nalabag umano ang House Committee on Justice sa bahagi ng Rules of Impeachment matapos nitong ibasura ang mga impeachment complaints laban kay Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Erice, hindi raw nasunod ang tamang proseso dahil may ginawang deliberasyon at desisyon ang komite na hindi isinama ang ilang miyembro. Para sa kanya, mahalaga ang transparency at partisipasyon ng lahat ng kasapi sa ganitong seryosong usapin.
Sinabi ni Erice na tila nagkaroon ng “sariling trial” ang komite kung saan sila-sila lamang ang nagdesisyon. Aniya, kung impeachment ang pag-uusapan, hindi dapat ito minamadali o isinasagawa nang hindi malinaw ang bawat hakbang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento