Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media kaugnay ng panukalang Children’s Safety in Social Media Act, naging usap-usapan ang pahayag ni Robin Padilla matapos niyang tawagin na “weak” ang kabataan sa kasalukuyang panahon kumpara sa kanilang henerasyon.
Bilang chairman ng komite, binigyang-diin ni Padilla na noong panahon nila, hindi umano uso o hindi pa laganap ang salitang “depression.” Ayon sa kanya, mas matatag umano ang mga kabataan noon at hindi basta-basta nagrereklamo o umaaming sila ay nalulungkot o “depressed.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento