Mariing pinasinungalingan ni DILG Sec. Jonvic Remulla, ang mga alegasyong umano’y inabuso niya ang kanyang awtoridad at kapangyarihan bilang pinuno ng ahensya.
Ayon kay Remulla, walang katotohanan ang mga paratang na ito at wala siyang ginagawang hakbang na lumalabag sa batas o sa mandato ng kanyang posisyon. Binigyang-diin niya na ang kanyang mga desisyon ay nakabatay sa tungkulin at responsibilidad bilang DILG chief.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento