Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG NATIN PAHINTAYIN ANG TAUMBAYAN" SEN. BAM AQUINO IGIINIT NA ANUMANG DELAY SA IMPEACHMENT NI VP SARA AY MALINAW NA INSULTO SA TAUMBAYAN

Huwebes, Pebrero 12, 2026

 



Mariing iginiit ni Sen. Bam Aquino na anumang pagkaantala sa impeachment trial ni Sara Duterte ay isang malinaw na insulto sa taumbayan at sa mismong Saligang Batas. 


Para kay Aquino, malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon na kapag may sapat na batayan ang reklamo, dapat itong talakayin at resolbahin sa lalong madaling panahon. Hindi umano ito dapat ipagpaliban o hayaang mabinbin hanggang sa malapit na ang halalan sa 2028.


Aniya, ang pag-antala ay maaaring magbigay ng impresyon na may pinoprotektahan o iniiwasan ang ilang sektor sa pamahalaan. Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang ang isang opisyal ang nasasangkot, kundi ang kredibilidad ng buong institusyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento