Iginiit ni Senate President Tito Sotto na mahalagang maunawaan ng publiko kung bakit inilantad ni Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y korapsyon sa ilang flood control projects. Ayon kay Sotto, kung hindi umano nagsalita at kumilos ang Pangulo, maaaring hindi nalaman ng taumbayan ang mga isyung bumabalot sa mga proyektong dapat sana’y para sa kaligtasan ng mamamayan.
Para kay Sotto, ang pagbubunyag ng anumang anomalya ay hindi dapat ituring na paninira kundi bilang hakbang patungo sa mas malinis na pamahalaan. Ipinaliwanag niya na ang tunay na serbisyo publiko ay nakabatay sa katapatan at pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento