Nagbigay-linaw si Usec. Claire Castro kaugnay sa ₱1 bilyong confidential funds ng Pangulo na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko.
Ayon kay Castro, hindi dapat kuwestiyunin ng taumbayan ang naturang pondo dahil ito ay ginagamit para sa mga sensitibong aktibidad ng Pangulo, kabilang ang mga biyahe sa ibang bansa na may layuning makahikayat ng investments para sa Pilipinas.
Ayon pa kay Castro, ang katangian ng confidential funds ay hindi ito saklaw ng karaniwang liquidation process dahil sa pagiging sensitibo ng mga operasyon. Dagdag niya, may umiiral na mga legal na mekanismo at auditing procedures para sa ganitong pondo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento