Mariing dinepensahan ni Rep. Benny Abante ang naging desisyon ng House Committee on Justice na ibasura ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Abante, personal niyang binasa ang mga paratang at hindi niya nakita ang sinasabing “sufficient” na batayan upang ituloy ang kaso.
Ikinuwento ni Abante na ilang ulit niyang sinuri ang reklamo upang tiyaking patas ang kanyang paghusga. Sa halip na makakita ng matibay na ebidensya, aniya, puro konklusyon at hinala ang laman kulang sa malinaw na ugnayan sa mga aktuwal na paglabag na kinakailangan sa impeachment.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento