Nag-viral sa social media ang matapang na pahayag ng aktres na si Bella Padilla matapos niyang kontrahin at kwestyunin ang naging komento ni Pangasinan Representative Mark Cojuangco hinggil sa mga informal settlers na nakatira sa mga flood-prone areas.
Sa kanyang post, pinaalalahanan ng aktres ang opisyal na bago magturo ng mali sa mga biktima, mas mahalaga muna ang pagtulong at pagkilos sa panahon ng kalamidad.
Nagsimula ang diskusyon nang maglabas ng pahayag si Rep. Mark Cojuangco, kung saan tila sinisisi niya ang mga residente sa pagtatayo ng bahay sa mga lugar na madaling bahain.
Ayon sa kanya: “Bakit kasi sa flood plain gumawa ng tirahan? Takaw sakuna.”
Agad itong umani ng batikos mula sa mga mamamayan, dahil sa halip na magpokus sa solusyon at pagtulong, tila isinisi pa umano ng kongresista sa mga biktima ang kanilang kalagayan.
Hindi pinalampas ni Bella Padilla ang naturang komento at diretsahang kinuwestiyon si Cojuangco sa kanyang pananaw.
“Respectfully sir, you don’t start giving lessons to a drowning man, sir. You save him first. Why didn’t the LGUs stop them from building there in the first place?” - Bella Padilla
Tinuligsa ng aktres ang ideya ng pagsisi sa mga mamamayan sa halip na pagtutok sa kapabayaan ng mga lokal na opisyal at kawalan ng tamang urban planning. Ayon kay Bella, hindi kailanman kasalanan ng mahihirap na wala silang mapagpatayuan ng ligtas na tahanan dahil responsibilidad ng gobyerno na tiyakin ang maayos na pamumuhay ng bawat Pilipino.
Sa sumunod na pahayag ni Bella, ipinaliwanag niyang hindi niya layuning makipag-away sa mga pulitiko, kundi ipaalala lamang na may mas mahalagang unahin, ang buhay ng mga Pilipino.
Sa panahon ng krisis, muling ipinakita ni Bella Padilla na ang boses ng kababaihan ay maaaring maging tinig ng katotohanan at malasakit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento