Nag-viral sa social media ang post ni motivational speaker at content creator Rendon Labador matapos maglabas ng tila patama sa influencer at engineer na si Slater Young kaugnay sa isyu ng Monterazzas de Cebu project, na muling napasailalim sa kontrobersiya matapos ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Tino.
Sa kanyang opisyal na Facebook page, nag-post si Rendon ng maikling ngunit matinding pahayag: “Tanungin natin si Engineer Slater Young kung ano maganda gawin sa Sierra Madre.”
Maraming netizen ang agad nakapansin na tila patama ito kay Slater Young, na kamakailan ay binatikos online matapos iugnay ng ilan ang Monterazzas de Cebu project sa mga pagbaha sa Cebu.
Habang walang direktang pagbanggit ng pangalan ni Slater, malinaw sa mga komento ng netizens na si Young ang tinutukoy ni Labador.Marami ang nagsabi na tila sinusubukan ni Rendon ipahiwatig na dapat matutunan ni Slater ang tunay na konsepto ng environmental responsibility, lalo na matapos ang pagkakaugnay ng kanyang proyekto sa kalamidad.
Ang ilan ay sumang-ayon sa kanyang pananaw, sinasabing tama lamang na managot ang mga nasa likod ng mga proyektong may epekto sa kalikasan. Ngunit marami ring nagsabing hindi makatarungan ang public shaming at dapat ay hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon ng DENR tungkol sa isyu ng Monterazzas project.
Sa kabila ng pag-viral ng post ni Rendon, walang naging tugon si Slater Young hanggang sa ngayon. Ayon sa mga malalapit sa kanya, abala umano si Slater sa pakikipag-ugnayan sa mga local authorities at DENR hinggil sa imbestigasyon sa kanilang proyekto.
Ang post ni Rendon Labador ay muling nagpasiklab ng diskusyon tungkol sa pananagutan ng mga developer sa kalikasan, lalo na matapos ang sunod-sunod na pagbaha sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento