Hindi napigilan ni dating Senador Franklin Drilon ang kanyang pagkadismaya matapos pumutok ang isyu ng umano’y ₱100 bilyong budget insertion anomaly sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa beteranong mambabatas, sa loob ng mahigit dalawang dekada niyang karera sa Senado, ito na raw ang “pinakakorap na budget” na kanyang nasaksihan.
“I was in the Senate for 24 years. I looked at the budget for 24 years. This is the most corrupt. The lawmakers really mangled the budget and the executive branch can no longer recognize it,” -Franklin Drilon, Former Senator
Sa isang panayam, sinabi ni Drilon na labis ang kanyang pagkagulat at pagkagalit nang malaman ang umano’y malakihang budget manipulation at “insertion” na ginawa sa 2025 national budget. Ayon sa kanya, tila wala nang respeto sa proseso ng paglalaan ng pondo at ginawang “laruan” ng mga tiwaling opisyal ang kaban ng bayan.
Dagdag pa niya, hindi katanggap-tanggap na umabot sa ganitong antas ang korapsyon, lalo na’t patuloy ang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at mabagal na paglago ng ekonomiya.
Ang kontrobersiya ay nagsimula matapos ang mga pahayag ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na nagsabing iniutos umano ni Pangulong Marcos at dating Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng ₱100 bilyong “insertions” sa pambansang budget.
Ang pahayag ni dating Senador Franklin Drilon ay nagpayanig sa publiko at sa mundo ng pulitika, dahil ito ay nagmula sa isang beteranong mambabatas na matagal nang nakasaksi ng iba’t ibang isyu sa pamahalaan. Ang kanyang pagtawag sa 2025 budget bilang “the most corrupt” ay nagbukas ng panibagong diskusyon tungkol sa integridad, pananagutan, at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento