Advertisement

Responsive Advertisement

"WAKASAN NA ANG MINING! PROTEKTAHAN ANG KALIKASAN” KIM CHIU MATAPANG NA PAWAGAN KAY PANGULONG MARCOS

Martes, Nobyembre 11, 2025

 





Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Uwan, naglabas ng matapang na pahayag ang aktres na si Kim Chiu laban sa mga proyekto ng pagmimina at konstruksyon na patuloy umanong sumisira sa kalikasan. Ipinanawagan din ng aktres sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wakasan na ang mining activities sa bansa bago tuluyang masira ang kalikasan at mas mapahamak ang mga mahihirap na Pilipino.


Sa kanyang social media post, emosyonal na ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pagkakalbo ng mga kabundukan dahil sa pagmimina at walang habas na konstruksyon. Giit niya, ang mga bundok at kagubatan ang natural na panangga ng mga Pilipino laban sa mga kalamidad, at dapat ay bigyan ito ng halaga at proteksyon.


“Araw-araw tayong pinoprotektahan ng mga bundok laban sa bagyo, baha, at matinding init. Tahimik lang silang nakatayo, walang hinihinging kapalit, pero patuloy silang nagbibigay ng buhay, ng hangin, ng ginhawa. No to mining. Walang konstruksyon. Walang pagwasak. Kung kaya nilang protektahan tayo, kaya rin nating ipaglaban sila.” -Kim Chiu


Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Kim tungkol sa kapaligiran.


Ngayong taon, muli niyang binuhay ang adbokasiya ng yumaong Gina Lopez, dating kalihim ng DENR, na kilala sa mahigpit na kampanya laban sa mapanirang pagmimina.


Ayon kay Kim, ang mga mahihirap ang unang biktima ng pagkasira ng kalikasan mula sa pagbaha hanggang sa pagkawala ng kabuhayan.


Sa parehong pahayag, direkta ring nanawagan si Kim Chiu sa kasalukuyang administrasyon na magpatupad ng mahigpit na pagbabawal sa pagmimina at ilegal na konstruksyon, lalo na sa mga lugar na may mahalagang ekosistema tulad ng Sierra Madre at mga kabundukan ng Mindanao.


Umani ng papuri at suporta si Kim mula sa mga netizens, lalo na sa mga environmental advocates na matagal nang nananawagan ng pagbabawal sa pagmimina.


Sa panahong tila paulit-ulit ang kalamidad at pagkasira ng kalikasan, muling pinaalalahanan ni Kim Chiu ang publiko at ang pamahalaan na ang solusyon ay nasa pangangalaga ng kalikasan, hindi sa pagsasamantala nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento