Muling uminit ang talakayan sa social media matapos babasagin ng American storm chaser na si Josh Morgerman ang matagal nang paniniwala ng maraming Pilipino na ang Sierra Madre Mountains ang nagsisilbing panangga sa mga bagyo na dumadaan sa Luzon.
Ayon kay Morgerman, hindi totoo na pinipigilan ng Sierra Madre ang pagpasok ng mga bagyo, bagkus ito ay nagpapahina lamang sa bagyo matapos itong tumama sa kalupaan.
“The Sierra Madre chain weakens typhoons after they make landfall on the east coast of Luzon. These mountains do not protect the east coast of Luzon, which regularly experiences some of the strongest tropical cyclone impacts in the world,” -Josh Morgerman, American storm chaser
Si Morgerman, na kilala sa larangan ng meteorology at sa kanyang aktibong paghabol sa mga bagyo sa iba’t ibang panig ng mundo, ay naglabas ng pahayag upang linawin ang maling impormasyon na kumakalat sa social media. Aniya, maraming Pilipino ang nagsasabing “binasag ng Sierra Madre” ang mata ng Super Typhoon Uwan ngunit ayon sa siyensya, hindi iyon ang tunay na nangyari.
“Many folks are posting misinformation about the Sierra Madre Mountains in the Philippines. Let me set the record straight: The Sierra Madre chain weakens typhoons after they make landfall,” dagdag pa ni Morgerman sa kanyang social media post.
Ibig sabihin, ayon sa kanya, ang Sierra Madre ay hindi “proteksyon” bago pumasok ang bagyo, kundi isang natural barrier na nakatutulong lamang magpabagal sa lakas nito pagkatapos nitong tumama sa lupa.
Bagaman suportado ng mga eksperto sa klima ang pahayag ni Morgerman, marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi kumbinsido. Para sa ilan, nananatiling “simbulo ng proteksyon” ang Sierra Madre dahil sa mga kwento at karanasang lokal na tila nagpapatunay na mas mahina ang epekto ng bagyo sa mga probinsiyang nasa likod ng kabundukan.
Ang kontrobersya ukol sa papel ng Sierra Madre sa pagprotekta laban sa mga bagyo ay nagpapakita ng banggaan ng agham at paniniwala. Habang malinaw sa siyensya na ang kabundukan ay nagpapahina lamang ng bagyo pagkatapos ng landfall, hindi rin maikakaila ang malalim na pananampalataya ng mga Pilipino sa kabundukang ito bilang simbolo ng pag-asa at proteksyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento