Advertisement

Responsive Advertisement

"THE PRESIDENT HAS ORDERED FULL TRANSPARENCY." MALACAÑANG, IIMBESTIGAHAN ANG MGA FLOOD CONTROL PROJECT NA NAIWAN MULA DUTERTE ADMINISTRATION

Huwebes, Nobyembre 6, 2025

 



Matapos ang malawakang pagbaha na tumama sa Cebu dahil sa Bagyong Tino, iniutos ng Malacañang ang isang malalimang imbestigasyon sa higit 500 flood control projects na ipinatupad sa lalawigan sa nakalipas na dekada kabilang na ang mga proyekto sa ilalim ng Duterte administration.


Ayon kay Press Officer Claire Castro, nais ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaman kung epektibo ba ang mga proyekto at kung tama ba ang paggastos ng bilyon-bilyong pondo na inilaan para sa mga ito.


“Based on initial reports, there were around 343 flood control projects implemented from 2016 to 2022 in Cebu, and another 168 under the current administration, 55 of which are still ongoing,” pahayag ni Castro sa press briefing sa Palasyo nitong Miyerkules.


Dagdag pa niya, ang tindi ng pagbaha sa buong Cebu noong pananalasa ni Bagyong Tino ay malinaw na senyales na dapat rebyuhin ang kalidad, disenyo, at maintenance ng mga flood control structures.


Ang hakbang na ito ng Malacañang ay kasunod ng matapang na pahayag ni Cebu Governor Pamela Baricuatro, na nananawagan ng pagsusuri at pananagutan matapos ang halos kalahati ng lungsod ay lumubog sa baha kahit may ₱26.6 bilyong pondo na inilaan para sa flood control infrastructure.


Sinabi rin ng Malacañang na bukas ang national government sa anumang impormasyon o dokumentong maaaring ibahagi ng Cebu Provincial Government upang makatulong sa imbestigasyon.


Inaasahan ding bibiyahe si Pangulong Marcos Jr. sa Cebu sa mga susunod na araw upang personal na makita ang pinsala at subaybayan ang relief at recovery operations ng gobyerno.


Ang hakbang ng Marcos administration na imbestigahan ang flood control projects sa Cebu ay isang mahalagang senyales ng pananagutan at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan. Sa kabila ng malalaking halaga na inilaan sa mga proyektong ito, nananatiling tanong kung bakit binabaha pa rin ang mga pangunahing lugar ng Cebu sa tuwing may bagyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento