Advertisement

Responsive Advertisement

“THE LADY YOU SEE TALKING ON TV IS NOT MY SISTER, ” PANGULONG MARCOS NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA KANYANG KAPATID NA SI SEN. IMEE MARCOS

Lunes, Nobyembre 24, 2025

 



Ikinagulat ng publiko ang matinding pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kanyang sariling kapatid na si Sen. Imee Marcos, matapos itong magbintang na gumagamit umano ng iligal na droga ang Pangulo. Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ng Pangulo na labis siyang nasaktan at nagulat sa mga paratang ni Sen. Imee, lalo na’t galing ito sa loob mismo ng kanilang pamilya.


“I can take criticism from the public, but not from my own blood. The lady you see talking on TV is not my sister. I don’t know her anymore” -PBBM


Ayon kay Marcos, maging ang ilan sa kanilang mga kaibigan at malalapit na kamag-anak ay nag-aalala sa kalagayan ni Sen. Imee, na tila nagbago raw ng ugali at pananaw sa mga nakaraang buwan. Aniya, imbes na tulungan siya sa kanyang mga pagsubok bilang Pangulo, tila si Imee pa ang unang sumisira sa kanya sa publiko.


Sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas, bihirang-bihira ang ganitong hayagang bangayan ng magkapatid na Marcos sa publiko. Ang publikong banggaan ni Pangulong Bongbong Marcos at Sen. Imee Marcos ay nagbukas ng bagong yugto ng tensyon sa loob ng pamilyang Marcos, isang pamilyang matagal nang simbolo ng pagkakaisa sa politika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento