Naglabas ng matapang na pahayag si Sen. Rodante Marcoleta laban sa kapwa senador na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, matapos nitong tila ipagtanggol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga isyu ng katiwalian at kontrobersiyang bumabalot sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Marcoleta, halata na umano kung kaninong panig pumapanig si Lacson sa kabila ng paulit-ulit nitong pahayag na siya ay “neutral” at “hindi dumedepensa sa Pangulo.”
“Sinasabi niya sa publiko na hindi siya dumedepensa sa Pangulo, pero tingnan mo ang mga pahayag niya laging palusot, laging pagprotekta. Obvious na obvious kung kanino siya panig” -Sen. Rodante Marcoleta
Tinuligsa ni Marcoleta ang umano’y paulit-ulit na pagtatanggol ni Lacson sa Pangulo tuwing may inilalabas na bagong alegasyon ng katiwalian, kabilang na sa mga kaso ng flood control anomaly at budget insertion issue. Ayon sa kanya, dapat ay tapat sa katotohanan at sa bayan ang isang senador, hindi sa mga nakaupo sa kapangyarihan.
Sa gitna ng mainit na palitan ng pahayag, malinaw na lumalalim ang tensyon sa loob ng Senado.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento