Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation No. 1077, na nagpapahayag ng isang taong State of National Calamity sa ilang rehiyon ng bansa na labis na naapektuhan ng Bagyong “Tino” at Super Typhoon “Uwan.”
“The health of our people remains our top priority. We cannot delay action when lives and livelihoods are at stake. This proclamation will allow our agencies to work faster, better, and together" -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng kautusan na mapabilis ang paghatid ng tulong, rehabilitasyon, at disaster response efforts habang naghahanda rin ang gobyerno sa posibleng epekto ng mga susunod pang bagyo.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1077, binibigyang kapangyarihan ang mga lokal at pambansang ahensya ng gobyerno na gamitin ang kanilang mga pondo at resources para sa rescue, relief, recovery, at rehabilitation operations. Ayon sa MalacaƱang, ito ay bahagi ng malawakang hakbang ng administrasyon upang matiyak na ang mga lugar na sinalanta ng kalamidad ay muling makabangon sa lalong madaling panahon.
Kasabay ng deklarasyon, inatasan din ng Pangulo ang Department of Health (DOH) na i-activate ang National Public Health Emergency Operations Center (PHEOC). Ang naturang tanggapan ay mangunguna sa pagtugon sa mga health-related emergencies na dulot ng kalamidad kabilang ang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis, dengue, at iba pang waterborne diseases sa mga lugar na binaha.
Ang DOH Secretary ang mangunguna sa operasyon ng PHEOC, habang makikipag-ugnayan ang iba pang ahensya gaya ng DSWD, DPWH, DILG, at NDRRMC para sa mas epektibong implementasyon ng mga hakbang pangkaligtasan.
Sa kanyang mensahe, nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa publiko na manatiling mapagmatyag at makiisa sa gobyerno sa mga darating pang sakuna. Ayon sa kanya, ang bayanihan at disiplina ng bawat Pilipino ay mahalagang sandigan sa panahon ng mga kalamidad.
Ang pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng State of National Calamity ay isang malaking hakbang tungo sa mabilis na aksyon at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa kabila ng pinsalang dulot ng mga bagyo, ipinakita ng gobyerno ang determinasyon nitong magbigay ng tulong at maibalik ang normal na pamumuhay ng mga Pilipino.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento