Advertisement

Responsive Advertisement

"SI PBBM LANG ANG MAKAKAGAWA NITO" ATTY. CLAIRE CASTRO IPINAGMALAKI ANG TAGUMPAY NG IMBESTIGASYON NI PBBM LABAN SA KORAPSYON

Sabado, Nobyembre 22, 2025

 



Ipinagmalaki ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang mabilis na resulta ng mga imbestigasyon na isinagawa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa mga kaso ng korapsyon sa pamahalaan.


Ayon kay Castro, sa loob lamang ng tatlong buwan, malinaw na ang mga konkretong bunga ng kampanya ng Pangulo para linisin ang sistema ng gobyerno.


“Tatlong buwan pa lang mula nang ilunsad ni Pangulong Marcos ang masusing imbestigasyon laban sa korapsyon, may resulta na agad. Hindi tulad ng dati, ngayon, hustisya ang nakikita ng taumbayan, hindi patayan. Si PBBM lang ang makakagawa nito - Atty. Claire Castro


Isa sa mga pinakahuling hakbang ng gobyerno ay ang pagpapasubasta sa mga mamahaling sasakyan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, na umano’y nasangkot sa mga ilegal na transaksyon at paglustay ng pondo ng bayan. Ayon kay Castro, ito ay patunay ng aktibong kampanya ng Pangulo laban sa mga tiwaling opisyal at negosyante na kumikita sa kapinsalaan ng taumbayan.


Hindi rin nakaligtas sa pahayag ni Castro ang paghahambing sa mga nagdaang administrasyon, kung saan aniya, “puro karahasan at takutan” ang paraan ng pagpapatupad ng batas.


Ang kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. laban sa korapsyon ay nagbunga agad sa loob lamang ng tatlong buwan, ayon kay Atty. Claire Castro. Sa halip na karahasan, batas, ebidensya, at transparency ang ginagamit ng administrasyon upang linisin ang gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento