Advertisement

Responsive Advertisement

"SI PANGULONG MARCOS DAPAT ANG MAGPASKO SA KULUNGAN" CONGRESSMAN KIKO BARZAGA NANANAWAGAN IKULONG NA SI PANGULONG MARCOS

Biyernes, Nobyembre 14, 2025

 



Mainit na usapin ngayon sa politika ang matapang na pahayag ni Cavite 4th District Representative Francisco “Kiko” Barzaga, matapos niyang ipanawagan na ikulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng umano’y ₱100 bilyong budget insertion anomaly sa 2025 national budget.


Ayon kay Barzaga, kung totoo ang mga ibinulgar ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ang Pangulo mismo ang dapat managot at makulong bago sumapit ang Pasko.


“₱100 Billion Pesos pala ang budget insertions ni Pangulong Marcos, siya dapat ang magpasko sa kulungan,” - Rep. Kiko Barzaga


Naging laman ng mga balita ang rebelasyon ni dating congressman Zaldy Co, na nagsabing iniutos umano ni Pangulong Marcos at dating Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng ₱100 bilyong halaga ng proyekto sa pambansang budget na tinawag ng marami bilang isang uri ng pork barrel-style insertion.


Ayon kay Barzaga, kung mapapatunayan na totoo ang alegasyon, ito ay isang malaking pambabastos sa tiwala ng mamamayan at paglapastangan sa kaban ng bayan.


Naniniwala si Barzaga na hindi dapat magkaroon ng “untouchables” sa gobyerno, at kahit Pangulo ay dapat managot kung mapatunayang may sala.


Ang pahayag ni Rep. Kiko Barzaga ay nagbigay ng bagong apoy sa isyu ng ₱100-bilyong budget insertion, na ngayon ay isa sa pinakamainit na political controversies sa bansa. Habang patuloy ang imbestigasyon, nananatiling malakas ang panawagan ng taumbayan para sa transparency, hustisya, at pananagutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento