Muling naglabas ng saloobin ang aktor na si Dennis Trillo kaugnay ng mga nagaganap na kalamidad at mabagal na pagtugon ng pamahalaan, partikular ng Marcos administration, sa mga biktima ng bagyo at pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa gitna ng sunod-sunod na sakuna, kabilang ang matinding baha sa Cebu at Northern Luzon, ipinahayag ni Dennis ang kanyang pagkadismaya sa tila kakulangan ng agarang aksyon at maayos na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa isang post na agad nag-trending sa social media, sinabi ng Kapuso actor:
“Sana dinonate na lang natin yung binayad nating tax, sure pa na mapupunta sa tulong. Kasi kung sa gobyerno lang din, baka manakaw lang ulit.”
Ayon sa kanya, hindi niya intensyong mang-insulto o manira ng administrasyon, ngunit hindi na raw maitatago ang galit at lungkot na nararamdaman niya tuwing nakikita ang mga kababayan na nagdurusa, habang tila paulit-ulit ang pagkukulang ng gobyerno sa disaster response.
“Ang hirap panoorin yung mga kababayan natin, walang makain, walang matirhan, tapos parang wala lang sa mga nasa itaas. Parang nasanay na lang tayo sa salitang ‘resilient’ pero hindi naman tinutugunan yung ugat ng problema.”
Agad na hinati ni Dennis Trillo ang opinyon ng mga netizens. Marami ang sumang-ayon sa kanyang pahayag, sinasabing matagal na nilang nararamdaman ang pagkadismaya sa sistema, lalo na sa kung paano ginagastos ang buwis ng mamamayan.
Subalit may ilan din na nagsabing hindi dapat husgahan agad ang gobyerno, at mas mainam umano kung makipagtulungan na lang sa halip na magreklamo.
Ang pahayag ni Dennis Trillo ay sumasalamin sa sentimyento ng maraming Pilipino, pagod, galit, at sawa sa paulit-ulit na kapabayaan tuwing may sakuna. Sa kanyang mensahe, ipinakita niya na ang pagiging artista ay hindi hadlang sa pagiging makabayan, at ang pagsasalita laban sa kawalan ng hustisya at katiwalian ay bahagi ng pagiging responsableng mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento