Mariing sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang isyu ng korapsyon at “budget insertion” ay hindi nagsimula sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa kanya, minana lamang ng kasalukuyang pamahalaan ang mga problemang ugat ng katiwalian mula pa sa mga nakaraang rehimen, partikular sa panahon ng administrasyong Duterte.
“Matagal ko nang napapansin, noon pa panahon pa ni Duterte, uso na ‘yung mga ganyang budget insertion” -Ombudsman Remulla
Ipinaliwanag ni Remulla na hindi basta mawawala ang korapsyon sa loob ng gobyerno dahil ito ay naging ugali at kultura ng ilang opisyal na nasanay sa maling sistema. Aniya, ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ay pagsasaayos at paglilinis ng mga natitirang bakas ng katiwalian.
Dagdag pa ni Remulla, ang mga modus ng ilang ahensya sa paggamit ng pondo ay matagal nang taktika na nagbago lang ng anyo. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ang ugat ng katiwalian sa bansa ay hindi maikakabit sa kasalukuyang administrasyon lamang, kundi bunga ng lumang sistemang hindi agad naputol mula sa mga nakaraang liderato.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento